LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 2
Dahil wala pa ring nararanasang pag-ulan nitong nagdaang mga araw, tuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon.
Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Apr. 2, ang water level sa Angat dam ay nasa 192.36 meters na lamang.
Mas mababa ito kumpara sa 192.76 meters kahapon.
Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.51 meters ang water level, bumaba din kumpara sa 68.53 meters kahapon.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon.
Kabilang dito ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.