Nasawi ang 30 bumbero habang sinusubukang apulahin ang isang napakalaking forest fire sa Sichuan province sa China.
Ayon sa emergency ministry ng bansa, sumiklab ang sunog sa kabundukan ng Sichuan noon pang Sabado.
Pero araw ng Linggo ay nagkaroon ng pagbabago sa direksyon ng hangin na nagresulta sa isang ‘fireball’ dahilan para maipit ang mga bumbero.
Nawalan ng contact sa 30 bumbero at nakumpirma na lamang na nasawi ang mga ito kahapon, araw ng Lunes.
Narekober na rin ang kanilang mga bangkay.
Nasa 700 bumbero ang sumusubok na apulahin ang sunog sa isang liblib na lugar sa Muli county sa Sichuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.