ISIS aktibo umano sa Cotabato ayon sa alkalde

December 03, 2015 - 04:19 AM

 

Nagsasagawa umano ng recruitment ng mga kabataang taga-Cotabato City ang ilang mga taga-suporta ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.

Ito ang ipinahayag ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr., sa kabila ng pagtanggi ng militar at pulisya na may presensya na ng ISIS sa Mindanao.

Ayon sa alkalde, dati nang nakararating sa kanya ang naturang impormasyon ngunit nakumpirma lamang sa pagkamatay ng tatlo saw along katao sa operasyon sa Palembang, Sultan Kudarat noong nakaraang linggo.

Pawang mga taga-Cotabato aniya ang tatlo sa mga nasawi na sinasabing mga miyembro ng Ansar al-Khalifa Philippines.

Batay pa aniya sa kanyang natanggap na impormasyon, nasa 30 pang mga kabataang taga-Cotabato ang nakumbinsi ng grupo na umanib sa kanilang kilusan kapalit ng pera at pagkain.

Sa kabuuan aniya, umaabot na sa 1,000 ang mga na-brainwash ng grupo sa buong Central Mindanao na karamihan ay mga out-of-school youth.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.