PNP: NPA posibleng mag-recruit ng mga estudyante ngayong bakasyon

By Angellic Jordan April 01, 2019 - 09:28 PM

Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde sa posibleng pag-recruit ng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante ngayong bakasyon.

Sa press briefing sa Camp Crame, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga magulang na tutukan ang extracurricular activities ng kanilang mga anak sa mga probinsya.

Aniya, posibleng gamitin ng mga rebelde ang kanilang front organizations para makapag-recruit ng mga estudyante.

Dagdag pa ng PNP chief, kilala ang ilang miyembro ng militant youth groups na nakikiisa sa mga “indoctrination” at “social immersion courses” sa training camps tuwing bakasyon nang hindi humihingi ng permiso sa kanilang mga magulang.

Inihalimbawa pa ni Albayalde ang pagkakaaresto ay Aljon Tamuyang Cardenas sa pag-atake ng mga miyembro ng NPA sa Victoria Municipal Police Station sa Northern Samar noong March 28.

Si Cardenas ay estudyante mula sa University of the Eastern Philippines sa Calbayog City.

TAGS: Aljon Tamuyang Cardenas, Bakasyon, estudyante, extracurricular activities, indoctrination, NPA, PNP chief General Oscar Albayalde, recruitment, social immersion courses, Aljon Tamuyang Cardenas, Bakasyon, estudyante, extracurricular activities, indoctrination, NPA, PNP chief General Oscar Albayalde, recruitment, social immersion courses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.