Ilang local officials arestado ng PNP sa operasyon kontra loose firearms

By Angellic Jordan April 01, 2019 - 04:12 PM

Inquirer file photo

Inanunsiyo ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagkaka-aresto sa dalawampu’t tatlong lokal na opisyal ng gobyerno sa ikinasang operasyon laban sa loose firearms sa bansa.

Sa press briefing sa Camp Crame, nakilala ni PNP chief General Oscar Albayalde ang ilan sa mga naaresto na sina Tubajon, Dinagat Island Mayor Romeo Vargas at Tagbina, Surigao del Sur Vice Mayor Antonio Adlao.

Maliban dito, nahuli rin ang isang miyembro ng sangguniang barangay, siyam na barangay chairman, sampung konsehal at isang general service office sa mga operasyon mula March 22 hanggang 28.

Inaresto ang mga opisyal dahil sa umano’y paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sinabi ng P-N-P chief na isinagawa ang mga operasyon base sa kanilang beripikadong intelligence report.

Giit pa nito, ipapatupad pa rin ang batas kahit pulitiko ang mahuling lumabag ditto.

Kasabay nito, nakumpiska ng C-I-D-G ang 137 na armas, 34 pampasabog at pagkaaresto sa 168 katao kabilang na ang mga lokal na opisyal.

TAGS: albayalde, CIDG, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Dinagat Island Mayor Romeo Vargas at Tagbina, Oscar Albayalde, Surigao del Sur Vice Mayor Antonio Adlao., Tubajon, albayalde, CIDG, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Dinagat Island Mayor Romeo Vargas at Tagbina, Oscar Albayalde, Surigao del Sur Vice Mayor Antonio Adlao., Tubajon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.