Halos 600 indibidwal nawalan ng tirahan sa sunog sa Calbayog City
Pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers ang mga residente na nasunugan sa Brgy. Nijaga, Calbayog City.
Nangyari ang sunog noong Biyernes, March 29 ng umaga.
Aabot sa halos 600 katao mula sa 189 na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Kabuuang 128 na bahay ang tinupok ng apoy.
Maliban sa lokal na pamahalaan ng Calbayog ay nagpaabot na rin ng tulong ang Rotary Club oh greater Calbayog sa mga nasunugan.
Ayon sa BFP Calbayog, patuloy nilang inaalam ang sanhi ng sunog na mabilis na kumalat dahil sa mainit na panahon at dikit-dikit na mga bahay na pawang gawa sa kahoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.