Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong SSS president
May hinirang na bagong presidente ng Social Security System (SSS) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinalaga ng pangulo si Aurora Cruz Ignacio na siyang magiging kauna-unahang babae na hahawakan ang posisyon bilang presidente at CEO ng SSS.
Papalitan ni Ignacio si Emmanuel Dooc na nagbitiw sa pwesto kamakailan.
Nilagdaan ng pangulo ang appointment paper ni Ignacio noong March 28 at inilabas ito sa media ngayong araw (Apr. 1).
Si Ignacio ay nagtapos ng Bachelor of Science, major in Commerce, Banking and Finance degree sa Centro Escolar University.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.