PNP bukas sa imbestigasyon sa pagkasawi ng 14 na katao sa operasyon sa Negros Oriental
Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkasawi ng 14 na katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pagsisilbi ng search warrant sa Negros Oriental.
Reaksyon ito ng pamunuan ng PNP matapos sabihin ng Commission on Human Rights (CHR) na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa insidente.
Sinabi sa Radyo Inquirer ni PNP spokesman P/Col. Bernanrd Banac, na handa ang PNP sa anumang imbestigasyon at handa silang tumugon sa mga kumukwestyon sa pagiging lehitimo ng operasyon.
Sinabi ni Banac na malayo sa katotohanan ang mga alegasyong masaker ang nangyari.
Sa magkakahiwalay na lugar aniya nangyari ang insidente, at sa katunayan ay mayroon ding isang pulis na nasugatan sa operasyon.
Handa rin ang PNP na iprisinta ang mga ebidensya at rekord ng ginawang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.