Kung may bawas-presyo sa produktong petrolyo sa linggong ito ay tumaas naman ang halaga ng liquified petroleum gas (LPG).
Simula kaninang hatinggabi, ipinatupad ng Petron ang P1.25 kada kilong pagtaas sa presyo ng cooking gas o P13.75 na dagdag sa bawat 11 kilong tangke.
Ang Auto LPG ng Petron ay nadagdagan din ng P0.70 kada litro.
Sa anunsyo naman ng Solane, epektibo mamayang alas-6:00 ng umaga ay madaragdagan ang kanilang cooking gas ng P1.14 kada kilo.
Ang pagtaas sa presyo ng LPG ay bunsod ng pagtaas ng halaga sa pandaigdigang pamilihan para sa buwan ng Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.