Niyanig ng isang magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-10:02 ng gabi ng Linggo.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Hilagang-Kanluran ng Surigao City.
May lalim ang lindol na 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity III sa Surigao City at Dinagat, Dinagat Island.
Intensity II naman sa San Francisco, Surigao del Norte at San Jose, Dinagat Island.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.