FEU, panalo kontra UST sa UAAP Season 81 men’s volleyball tournament

By Angellic Jordan March 31, 2019 - 06:37 PM

Matapos ang unang talo, muling umarangkada ang Far Eastern University (FEU) dahilan para matalo ang University of Santo Tomas (UST) sa UAAP Season 81 men’s volleyball tournament.

Nagwagi ang Tamaraws kontra sa Tiger Spikers sa loob ng apat na set.

Nakapagtala ng kabuuang 51 attack points ang FEU kontra sa UST.

Pinangunahan ni JP Bugaoan ang Tamaraws sa iskor na 17 points kasama ang 3 blocks habang nakapag-ambag naman si Judge Garcia ng 17 points na may kasamang 4 blocks.

Dahil sa kanilang 8-1 win-loss record, pasok na sa Final 4 ang Tamaraws para ngayong season.

TAGS: FEU, UAAP season 81, UST, volleyball, FEU, UAAP season 81, UST, volleyball

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.