Palasyo, handang tulungan ang mga artistang sangkot sa droga

By Angellic Jordan March 31, 2019 - 06:33 PM

Inihayag ng Palasyo ng Malakanyang na handa ang gobyerno na tulungan ang mga artistang gumagamit ng ilegal na droga kung nais magpa-rehabilitate.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Panelo na tutulungan ng pamahalaan ang sinumang nangangailan nito lalo na sa mga nais mahinto sa paggamit o pagbebenta ng droga.

Mayroon aniyang dalawang paraan para mahinto ang ilegal na tranaksyon ng droga sa bansa. Una, sirain ang mga kagamitan at pangalawa, ipa-rehabilitate ang mga lulong sa droga.

Payo ni Panelo sa mga artista, mas makabubuting boluntaryong magpa-rehabilitate para hindi manganib ang kanilang mga tagasuporta at karera.

Matatandaang nais ng Philippine National Police (PNP) at Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isapubliko ang listahan kasunod ng pagkamatay ng umano’y bigtime drug supplier na si Steve Pasion sa buy-bust operation noong Pebrero.

TAGS: narcolist, PDEA, PNP, Sec. Salvador Panelo, narcolist, PDEA, PNP, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.