Sumuko ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Philippine Army sa probinsya ng Sulu, araw ng Linggo.
Ayon sa 2nd Special Forces Battalion ng Philippine Army, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang hawak na baril sa bayan ng Parang.
Sinabi ng mga sundalo na sumuko ang mga bandido dahil sa hirap ng pamumuhay sa bundok at pagtatago sa batas.
Samantala, tiniyak ni Col. Antonio Nafarette mula sa 1101st Infantry Brigade ng Army na tutulungan ng gobyerno ang mga sumukong rebelde.
Inilista na rin aniya ang pito sa ilalim ng livelihood program ng Sulu Provincial government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.