20 istraktura sa Lapu Lapu City, Cebu nasunog

By Len Montaño March 31, 2019 - 01:39 AM

Tonee Despojo, CDND

Nasunog ang nasa 20 istraktura kabilang ang walong-pintong apartment sa sunog sa residential area sa Sitio Guiwanon, Barangay Looc, Lapu Lapu City Sabado ng gabi.

Ayon kay Andy Berame ng Lapu Lapu Disaster Risk Reduction Management Office, nagsimula ang sunog alas 8:36 ng gabi at inilagay sa Task Force Alpha dakong 9:08 ng gabi.

Makalipas ang ilang minuto ay itinaas ang Task Force Bravo at tuluyang naapula ang sunog bandang 10:10 ng gabi.

Naapektuhan sa sunog ang mga bahay na gawa sa light materials kabilang ang walong pintuang apartment na malapit sa shipyard sa Barangay Looc.

Sa inisyal na ulat ay nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Epifanio Patalinghug pero hindi pa tukoy ang dahilan nito.

Pansamantalang tumutuloy ang mga nasunugan sa gym ng barangay at kalapit na ekwelahan.

TAGS: 20 istraktura, cebu, Epifanio Patalinghug, Lapu Lapu Disaster Risk Reduction Management Office, Lapu-Lapu City, residential area, sunog, Task Force Alpha, Task Force Bravo, walong-pintong apartment, 20 istraktura, cebu, Epifanio Patalinghug, Lapu Lapu Disaster Risk Reduction Management Office, Lapu-Lapu City, residential area, sunog, Task Force Alpha, Task Force Bravo, walong-pintong apartment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.