WATCH: Taunang Earth Hour isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo

By Len Montaño March 30, 2019 - 11:11 PM

Bilang pagpapakita sa pagmamahal at pagsalba sa kalikasan, isinagawa Sabado ng gabi ang taunang Earth Hour.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nakiisa sa aktibidad.

Ilang shopping malls, unibersidad at pasilidad ang sabay sabay na nagpatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras mula alas 8:30 ng gabi.

Sa Cebu City, sa isang malaking mall ginawa ang selebrasyon.

Hinimok ang mga tao na sumaksi sa Earth Hour na magbigay ng commitment na iligtas ang Mother Earth sa pamamagitan ng paglagay ng kanilang neon hand prints sa blackboard.

Sa isa namang lugar sa Mandaue City, nag-share ang mga tao sa candlelit dinner habang nakapatay ang mga ilaw sa loob ng isang oras.

TAGS: Cebu City, Earth Hour, isang oras, kalikasan, Mandaue City, Mother Earth, patay ng ilaw, Cebu City, Earth Hour, isang oras, kalikasan, Mandaue City, Mother Earth, patay ng ilaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.