Mga nakatira sa high-risks areas sa CDO ililipat sa mas ligtas na lugar

By Den Macaranas March 30, 2019 - 10:41 AM

Inquirer file photo

Umabot na sa 12,205 housing units na ang naipamahagi ng pamahalaang lokal ng Cagayan De Oro City para sa mga informal settlers sa lungsod.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga nabiyayaan ng libreng pabahay ay mga biktima pa ng bagyong Sendong at ilang mga nakatira sa nauna ng idineklarang mga high-risk areas sa CDO.

Bahagi ng nasabing proyekto ang pagbili ng 13 ektarya ng lupain para sa pabahay sa mga tinaguriang informal settler families (ISFs).

Ang pamahalaang panlungsod ng CDO ay nakatakdang bumili nang dagdag pang 37 ektarya para sa nasabing proyekto.

Kaugnay nito, iminungkahi ng City Housing and Urban Development Department ang partnership sa ilang real estate developer para sa pagpapatayo ng housing units sa ISFs.

Sa ganitong paraan ay mas makakatipid ang pamahalaan base sa ginawang pag-aaral ng City Housing and Urban Development Department.

Noong nakalipas na taon ay sinabi ni Mayor Oscar Moreno kailangan ang P28.5 Billion na pondo para land purchase, site development, pagtatayo ng housing units at iba pang pangangailangan ng ISFs.

Samantala, napanatili naman ng CDO ang ikalimang pwesto sa Cities and Municipalities Competitiveness Index para sa buong bansa sa larangan ng imprastraktura.

TAGS: Cagayan De Oro City, CDO, City Housing and Urban Development Department, government housing, informal settlers, ISFs, Mayor Oscar Moreno, Cagayan De Oro City, CDO, City Housing and Urban Development Department, government housing, informal settlers, ISFs, Mayor Oscar Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.