Mga pari nagpaalala sa mga kandidato na igalang ang banal na Misa

By Rhommel Balasbas March 30, 2019 - 02:10 AM

Nagpaalala ang kaparian sa mga kandidato para sa May 13 elections at sa kanilang mga tagasuporta na igalang ang pagdiriwang ng banal na Misa sa mga lugar na nagsasagawa sila ng kampanya.

Sa isang panayam, sinabi ni CBCP – Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano na dapat alam ng mga kandidato na igalang ang kabanalan ng mga selebrasyong liturhikal sa mga simbahan.

“Candidates should know how to respect the solemnity of liturgical celebrations in churches. It is not an appeal but more of a reminder to them to instruct their supporters to keep from making noise near churches, especially if there are Masses being celebrated,” ani Secillano.

Sinabi naman ng Parochial Vicar ng Quiapo Church na si Fr. Douglas Badong na kung magsisimba ang mga kandidato, siguraduhin dapat ng mga ito na pagdarasal ang kanilang gagawin at hindi lamang para sa publicity.

“Kung magsisimba man sila, make sure din na pagdadasal ang gagawin nila at hindi pagpapakita lang sa mga tao,” ani Badong.

Ang pahayag ng mga pari ay kasabay ng pagsisimula kahapon (Mar.29) ng campaign period para sa mga local candidates.

TAGS: Fr. Douglas Badong, Fr. Jerome Secillano, igalang, local campaign, May 13 elections, misa, Parochial Vicar, publicity, Quiapo Church, Fr. Douglas Badong, Fr. Jerome Secillano, igalang, local campaign, May 13 elections, misa, Parochial Vicar, publicity, Quiapo Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.