Mabuting epekto ng APEC mararamdaman na ayon sa DOLE
Mas lalawak pa umano ang oportunidad ng dagdag trabaho at negosyo sa bansa matapos ang matagumpay na APEC Summit na ginanap sa bansa kamakailan.
Ayon Kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, asahan ang paglago ng sektor ng kalakalan sa mga bansang saklaw ng Asia Pacific Kabilang na ang Pilipinas dahil sa mas pinagtibay na ugnayang pang-kalakalan sa rehiyon.
Ang pagtitiyak ay sinabi ng kalihim matapos ang serye ng kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Noynoy Aquino.
Sa katunayan, sinabi ni Baldoz na sa kasalukuyan ay 87 libong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay in-demand o kinakailangan para sa mga trading partners ng Pilipinas tulad ng Japan, Papua New Guinea, US, Australia, Canada, Japan, Korea at New Zealand.
Ang Japan aniya ang may pinakamaraming pangangailangan ng mga Pinoy na may talento.
Maliban dito ay pinagaan na rin aniya ang mga requirements sa pagpasok sa Japan ng mga Filipino workers na kinabibilangan ng mga propesyunal sa pamamagitan ng PJEPA o Philippines Japan Economic Partnership Agreement.
Deregulated na rin aniya ang pagpasok sa naturang bansa para sa foreign Household Service Workers sa Special Economic Zones sa Osaka at Kanagawa Prefectures simula ngayong buwan ng Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.