Bahagi ng Magallanes Interchange permanente nang isasara mula sa Lunes – MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 07:30 PM

Isasara ang bahagi ng Magallanes Interchange simula sa Lunes, April 1.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista, ang left turning ramp ng Magallanes Interchange mula Maynila patungong Cubao ang isasara sa mga motorista mula alas 6:00 ng umaga.

Inabisuhan na ng MMDA ang mga maaapektuhang motorista na gamitin ang Magallanes Loop o di kaya ay ang Magallanes Village bilang alternatibong ruta.

Indefinite ang ipatutupad na closure at layon nitong matugunan ang problema sa traffic sa lugar.

Sa datos ng Traffic Engineering Center ng MMDA, nasa 7,722 na sasakyan ang bumabaybay sa interchange ng Magallanes mula Maynila patungong EDSA northbound habang 19,304 na sasakyan naman ang mga galing EDSA patungong Osmena Highway sa Nichols sa Taguig.

Nagsasalu-salubong aniya ang nasabing mga sasakyan kada araw sa pagtawid sa Magallanes Interchange na nagreresulta ng matinding traffic at aksidente.

Ayon sa Road Safety Unit ng MMDA, noong 2017 nakapagtala ng 360 na road incidents sa lugar habang 292 road accidents noong 2018.

TAGS: magallanes interchange', mmda, road closure, Traffic Advisory, magallanes interchange', mmda, road closure, Traffic Advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.