SP Sotto may personal choice na senatoriables
Mayroong personal lineup ng senatoriables si Senate President Tito Sotto III.
Ayon kay Sotto ang kaniyang mga napiling senatoriables na tinawag niyang “tough ten” ay isinumite na niya sa kaniyang partido na Nationalist People’s Coalition (NPC).
Kasama sa kaniyang personal choice ang mga reelectionist na sina Senators Grace Poe, Joseph Victor Ejercito, Nancy Binay, Cynthia Villar, Juan Edgardo Angara, Aquilino Pimentel III, at Paolo Benigno Aquino.
Bahagi din ng kaniyang lineup ang mga dating senador na sina Lito Lapid at Pia Cayetano, at si dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
Hindi pa naman tiyak ni Sotto kung magpupulong ang NPC para sa kaniyang isinumiteng listahan.
Noong Huwebes, naglabas din ng kaniyang susuportahang mga kandidato sa pagka-senador si Senator Panfilo Lacson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.