LOOK: Mga paaralan sa Isabela nilagyan ng Rainwater Collection System ng DPWH
Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways – Isabela Second District Engineering Office (DPWH-ISDEO) ang paglalagay ng 17 Rainwater Collection System (RWCS) sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.
Nagkakahalaga ng P3.4 million ang naturang proyekto.
Ang mga RWCS ay inilagay sa sumusunod na mga paaralan:
– Barucboc National High School
– Benito Soliven National High School
– Mabini National High School
– Malalinta National High School
– San Bonifacio Elementary School
– San Mariano II Central Integrated School
– Lucban Elementary School
– Matusalem National High School
– Roxas West Central School
– Luna-Rangayan Elementary School
– Sinamar Elementary School
– Villa Fugo Elementary School
– Bagong Tanza Elementary School
– Malasin Elementary School
– Camarunggayan Elementary School
Ayon kay DPWH District Engineer Reynato Ubiña ang mga RWCS ay malaking tulong upang ma-maximize ang paggamit ng tubig-ulan ma-sanitize ito at mapakinabangan.
Ang mga RWCS ay kukulekta ng tubig-ulan gamit ang tubo na idinugtong sa bubuong ng mga paaralan.
Ang mga tubig na maiipon nito ay didiretso sa toilets, washrooms, at iba pang pasilidad sa mga eskwelahan na kinakailangan ng tubig.
Maliban sa mga eskwelahan, naglagay din ng rainwater collector sa Mallig Public Market at sa DPWH-ISDEO office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.