Ikaapat na tranche ng salary increase sa mga empleyado ng gobyerno matatanggap na mula ngayong araw
Magandang balita para sa mga empleyado ng gobyerno dahil simula ngayong araw ay makatatanggap sila ng tatlong buwang umento sa sahod.
Base sa inilabas na National Budget Circular No. 575 ng Department of Budget and Management, ipatutupad na ang fourth-tranche ng salary adjustment sa lahat ng civilian personnel ng pamahalaan.
Nakasaad sa kautusan ni DBM officer-in-charge Janel Abuel, retroacted ang salary increase mula noong Enero 1, 2019.
Inaatasan din ni Abuel ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na gamitin ang lahat ng “available funds” sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act para sa nasabing umento.
Noong Marso 15, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang EO 76 na nagpapahintulot sa pay hike habang naka-pending ang pondo para sa kasalukuyang taon.
Saklaw ng compensation adjustment ang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa pinaka-mababang kawani ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.