Magkapatid na supporter ng ISIS-inspired Jihadist group, arestado sa Cagayan
Arestado ang dalawang hinihinalang tagasuporta ng ISIS-inspired group sa Northern Luzon sa kanilang safe house sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Altero Cariaga alyas Abu Nur at Abu Yusuf at si Gregorio Cariaga alyas Abu Saifullah sa Brgy. Dabbac Grande.
Ayon sa Cagayan police, Altero Cariaga ay kabilang umano sa mga lider ng Daesh-link group na Suyuful Khilafa Fi Luzon o Northern Luzon Jihadist Group – isang terrorist at radical islamic propagation group na itinatag sa Baggao noong 2016.
Nakuha sa kaniya ang sumusunod:
– isang (1) unit ng Colt cal 45 pistol na may magazine at pitong bala
– isang (1) unit ng Armscor M202 cal 38 revolver na may apat na bala
– isang Improvised Explosive Device (IED)
– isang (1) black belt bag na may mga bala
– isang (1) ISIS flag
– isang (1) unit ng Nokia TA114 cellular phone
– isang (1) black detonating cord
– isang (1) USB
– isang (1) CD
– isang (1) maliit na container na hindi pa tukoy ang laman
– at isang (1) itim na back pack.
Nakuhanan naman si Gregorio ng mga sumusunod
– isang (1) unit ng Smith and Wesson cal .38 revolver
– isang (1) unit ng 9mm pistol
– Improvised Explosives Device (IED)
– mga bala
– isang (1) ISIS flag
– at isang (1) gray na back pack
Ang pagkakadakip sa magkapatid ay bunga ng pinagsanib na operasyon ng militar, marines at pulisya sa Cagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.