BREAKING: Rappler CEO Maria Ressa, inaresto pagdating sa NAIA
By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 07:58 AM
Inaresto ng mga otoridad si Rappler CEO at executive editor Maria Ressa Biyernes, March 29 kaugnay sa kasong paglabag sa anti-dummy law.
Isinilbi ng tauhan ng Pasig police ang warrant of arrest kay Ressa pagkababa niya sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Ang nasabing warrant of arrest ay inilabas ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 265 issued kahapon, araw ng Huwebes.
Nakatakdang maghain ng P90,000 na piyansa si Ressa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.