Duterte: Gobyerno walang kinalaman sa reklamo sa ICC laban kay Xi
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na hindi ang gobyerno ng Pilipinas ang may pakana sa reklamo laban kay Chinese Pres. Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).
Sa pulong kay Song Tao, Minister ng International Department of the Communist Party of China (IDCPC) Central Committee of China, sinabi ng Pangulo na walang papel ang pamahalaan sa reklamo laban kay Xi.
Nagpulong sina Duterte at Song sa Matina Enclaves sa Davao City Miyerkules ng gabi.
Si Song ay sinamahan nina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at Chinese Consul General to Davao Li Lin.
Sa pahayag ng Malakanyang, sinabi na tinalakay ng dalawa ang mga isyu na lalong magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa.
Pinag-usapan din umano nina Duterte at Song ang mga bagay na parehong may interes ang Pilipinas at China gaya ng West Philippine o South China Sea.
“President Duterte also clarified the case filed by former Ombudsman Conchita Carpio-Morales and former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario against Chinese President Xi Jinping before the International Criminal Court, noting that the administration had no participation in such activity,” nakasaad sa pahayag ng Palasyo.
Gayunman sinabi umano ng Pangulo na ang Pilipinas ay demokratikong bansa at hindi mapipigilan ng gobyerno ang sinuman na magsampa ng reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.