58,000 turista inaasahang bibisita sa Boracay sa Semana Santa

By Rhommel Balasbas March 29, 2019 - 03:32 AM

Nasa 58,000 turista ang inaasahang bibisita sa Boracay sa Semana Santa ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sa press briefing ng Boracay Inter-agency Task Force araw ng Huwebes, sinabi ni DOT Usec. Art Boncato na ang naturang bilang ay pasok pa naman sa visitor carrying capacity limit ng isla.

Paliwanag ni Boncato, ang bilang ng turistang pumapasok sa isla ay kapareho naman ng bilang ng turistang lumalabas.

Kaya’t hindi nagkukumpulan ang 15,000 katao sa isang araw dahil mayroong mga paalis na.

Ang carrying capacity ng Boracay ay 6,405 arrivals per day habang ang  tourist capacity ay 19,215.

Upang matiyak ang limitasyon sa bilang ng mga bibisita sa isla, nais ni Boncato na palimitahan ang bilang ng flights ng airline companies at pabantayan ang hotel reservations.

Magugunitang kailangang munang magpa-book ng mga guests sa mga hotel bago sila makapasok ng isla.

Sa ngayon ay may 319 accredited accommodations ang Boracay kung saan available ang 11,657 rooms.

TAGS: boracay, Boracay Inter-Agency Task Force, Department of Tourism, Semana Santa, Usec. Art Bonifacio, visitor carrying capacity limit, boracay, Boracay Inter-Agency Task Force, Department of Tourism, Semana Santa, Usec. Art Bonifacio, visitor carrying capacity limit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.