Consumer confidence sa Q1 ng 2019 bahagyang gumanda ayon sa BSP

By Rhommel Balasbas March 29, 2019 - 02:23 AM

Nanatiling negatibo ngunit bahagyang gumanda ang consumer confidence sa first quarter ng 2019 ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa ulat ng BSP araw ng Huwebes, sa resulta ng kanilang Consumer Expectations Survey (CES), ang Consumers’ overall confidence sa first quarter ay -0.5 percent mula sa -22.5 percent noong fourth quarter ng 2018.

Ang ‘consumer confidence’ ay isang palatandaang pang-ekonomiya na sumusukat sa antas ng pagiging positibo ng mga consumer sa lagay ng ekonomiya ng bansa at sa kanilang personal na sitwasyong pang-pinansyal.

Ayon kay BSP Department of Economic Statistics head Redentor Paolo Alegre Jr., tumaas ang bilang ng mga consumer na may positibong pananaw sa ekonomiya ngunit mas mababa pa rin sa may negatibong pananaw.

Batay sa bagong CES, ang mga sumusunod na salik ang dahilan ng gumandang pananaw ng mga consumer:

  • dagdag na kita
  • pagganda ng peace and order
  • mas maraming trabaho
  • magandang pamamahala

Ang first quarter CES ay isinagawa noong February 5 hanggang 16 sakop ang 5,562 households sa Metro Manila at iba pang lugar.

TAGS: 1st quarter, 2019, consumer confidence, Consumer Expectations Survey, ekonomiya, gumanda, Redentor Paolo Alegre Jr., 1st quarter, 2019, consumer confidence, Consumer Expectations Survey, ekonomiya, gumanda, Redentor Paolo Alegre Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.