Police operations para sa eleksyon palalakasin ng NCRPO

By Rhommel Balasbas March 29, 2019 - 02:14 AM

Paiigtingin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga operasyon kontra vote-buying at gun ban violations kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa local candidates ngayong araw ng Biyernes.

Sa isang pahayag, sinabi ni NCRPO Major General Guillermo Eleazar na tradisyonal nang mas tensyonado at mas may gulo ang local election campaign periods.

“Local election campaign periods have shown traditionally, that there is more conflict and tension in the air,” ani Eleazar.

Dahil dito anya ay palalakasin ang mga checkpoints sa Metro Manila upang mapigilan ang masasamang loob sa kanilang mga binabalak.

Ang mga kandidato naman na magtatangkang bumili ng boto ay binalaan ni Eleazar at mahaharap umano ang mga ito sa parusa.

Anya sino mang masasangkot sa vote-buying ay aarestuhin on-the-spot.

Samantala, pinayuhan naman ang mga kandidato at kanilang campaign organizers na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa kanilang maayos na political rallies.

TAGS: campaign period, checkpoint, Conflict, Gun ban, local candidates, NCRPO Major General Guillermo Eleazar, police operation, political rally, tension, vote buying, campaign period, checkpoint, Conflict, Gun ban, local candidates, NCRPO Major General Guillermo Eleazar, police operation, political rally, tension, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.