Loan agreement ng Pilipinas sa China ukol sa Chico River Project, idudulog sa SC ng Makabayan bloc sa Kamara

By Erwin Aguilon March 28, 2019 - 08:42 PM

Kukuwestyunin ng Makabayan bloc sa Kamara ang pinasok na kasunduan ng bansa sa China kung saan ginawang collateral ang Reed Bank.

Ayon kay Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao, maghahain sila ng Petition for declaratory relief sa Supreme Court dahil sa maanomalyang kasunduan.

Mayroon aniyang delikadong mga probisyon ang kasunduan na maaaring magresulta sa pagbenta sa soberenya ng bansa.

Pahayag ito ng Makabayan bloc kasunod ng naging pag-amin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na okay lamang na gawing collateral ang Reed Bank para sa loan agreement sa China na may kaugnayan sa Chico River Rehabilitation Project.

Bukod pa rito ay pag-aaralan ng mga ito ang pagkuwestyon sa iba pang proyektong pinondohan sa pamamagitan ng official development assistance mula sa ibang bansa.

Hinimok naman ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang pamahalaan na isapubliko ang lahat ng kontratang pinasok ng Pilipinas sa ibang mga bansa dahil maging ang Sri Lanka at Ecuador ay nabiktima umano ng patibong ng China sa pautang.

TAGS: Chico River Rehabilitation Project, China, Pilipinas, reed bank, Supreme Court, Chico River Rehabilitation Project, China, Pilipinas, reed bank, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.