Nasawi ang isang 80-anyos na lalaki makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Makati City, Huwebes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Benesico Medina, residente ng 6654 Taylo St. ng Barangay Pio del Pilar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy bandang 12:30 ng tanghali.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out bandang 1:40 ng hapon.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, sinubukan nilang sagipin si Benesico ngunit nakakandado ang pintuan ng kwarto nito.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang naging sanhi ng sunog.
Aabot naman sa apat na bahay ang tinupok ng apoy na nagkakahalaga ng P200,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.