Klase sa Visayas State University sa Apr. 1 na magbabalik matapos makatanggap ng bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo March 28, 2019 - 10:18 AM

Sinuspinde na ang klase ngayong araw, March 28 at bukas, March 29 sa Visayas State University.

Ito ay matapos ang natanggap na bomb threat kahapon.

Sa memorandum circular ng pamunuan ng unibersidad, sa April 1, 2019 na ang balik ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

Ang trabaho sa lahat ng opisina VSU ay suspendido na rin ngayong araw at magbabalik naman bukas.

Kasabay nito, pinayuhan ni VSU President Edgardo Tulin ang lahat na maging mapagmatyag sa sitwasyon.

Sinabi rin ni Tulin na hindi totoo ang mga kumakalat na balita na may natagpuang maraming bomba sa eskwelahan.

Ani Tulin, matapos ang report ng bomb threat agad sinuyod ng mga otoridad ang eskwelahan.

Pinayuhan ni Tulin ang mga estudyante, magulang at mga empleyado na huwag nang ipakalat ang mga hindi kumpirmadong balita para maiwasan ang pangamba.

TAGS: Bomb threat, class suspension, Radyo Inquirer, Visayas State University, Bomb threat, class suspension, Radyo Inquirer, Visayas State University

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.