8 arestado sa drug den sa Maynila

By Rhommel Balasbas March 28, 2019 - 03:16 AM

Contributed photo

Arestado ang walo katao matapos maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa drug den sa Brgy. 436, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Sampaloc Police, isang sumbong ang kanilang natanggap tungkol sa nagaganap na drug session dahilan para ikasa agad ang anti-illegal drugs operation.

Arestado ang mga suspek na nakilalang sina Micheal Manalaysay, Reynaldo Teodoro, Marites Bautista, Arman Ampong, Erick Caindec, Lowell Cascabel, Ma. Beatrice Diaz at Mary Joy Labongray.

Nasa watchlist ang pito sa mga suspek habang sina Cascabel at Bautista ay dati na ring naaresto dahil sa iligal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng hihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,000 at iba pang mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila City Prosecutors Office.

TAGS: anti illegal drugs operation, arestado, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug den, drug session, Sampaloc Police, shabu, watchlist, anti illegal drugs operation, arestado, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug den, drug session, Sampaloc Police, shabu, watchlist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.