Local anti-jaywalking ordinances, ipatutupad na ng MMDA
Binigyang kapangyarihan na ng Metro Manila Council ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang kanilang local anti-jaywalking ordinances.
Nangangahulugan ito na maaring nang hulihin ng MMDA anti-jaywalking enforcers ang mga jaywalkers sa mga pangunahing lansangan at Mabuhay Lanes sa mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila.
Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim napagkasunduan nila ng konseho na sasailalim sa mga seminar ang mga MMDA personnel para pag-aralan ang mga lokal na ordinansa sa paghuli nila ng mga hindi gumagamit sa mga takdang tawiran.
Sa ngayon, may sariling anti-jaywalking policy ang MMDA at ang mga mahuhuli ay may opsyon na bayaran ang P500 multa o community service.
Hindi pa napipirmahan ng mga 16 city at isang municipal mayors ang resolusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.