LOOK: Ilang kalsada sa Taguig at Makati makararanas ng build-up sa traffic ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2019 - 06:41 AM

Nagpa-abiso ang Southern Police District hinggil sa pagsasara ng ilang pangunahing lansangan ngayong araw sa Taguig, at Makati.

Ayon sa SPD, isasagawa ngayong araw ang simultaneous oath taking at pinning of ranks para sa mga bagong promote na Police Non-Commissioned Officers ng SPD.

Ang seremonya ay gagawin sa Grandstand ng SPD sa Fort Bonifacio sa Taguig kung saan inaasahang nasa 2,684 na bagong promote na pulis ang manunumpa.

Dahil dito, inabisuhan na ng SPD ang mga motorista hinggil sa maidudulot nitong pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga sumusunod na kalsada:

– Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City
– Bayani Road, Taguig City
– Pasong Tamo Extension, Makati City

Ang mga motorista ay pinapayuhang iwasan ang nasabing mga kalsada mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 5:00 ng hapon.

TAGS: oath taking, road closure, Southern Police District, taguig, oath taking, road closure, Southern Police District, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.