3 umanoy carnapper patay matapos manlaban sa pulisya sa Davao del Norte

By Len Montaño March 27, 2019 - 12:57 AM

Carmen Police photo

Tatlong hinihinalang carnapper ang nasawi matapos umanong manlaban sa mga pulis sa follow-up operation sa Barangay Salvacion sa Carmen, Davao del Norte.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Eric Tejada, Adrian Alibangbang at isang alyas Tsokoy.

Ayon sa pulisya, rumesponde sila matapos magsumbong ang isang Kim Lawrence Sandig na umanoy ninakawan ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa biktima, tatlong lalaki ang kumuha sa kanyang motorsiklo sa Barangay Mabaus.

Binangga umano ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima, dahilan kaya natumba at pinalo ito ng baril sa ulo.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nasukol ang mga suspek sa Barangay Salvacion pero imbes na sumuko ay nakipagbarilan umano ang tatlo kaya napatay sila ng mga otoridad.

Narekober ng pulisya ang tatlong baril ng mga suspek, mga bala at ang motorsiklong ginamit ng tatlo pero ang sa biktima ay hindi na nabawi.

TAGS: Carmen, Carnapper, Davao Del Norte, follow up operation, motorsiklo, nanlaban, patay, Carmen, Carnapper, Davao Del Norte, follow up operation, motorsiklo, nanlaban, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.