GMA Actor Migo Adecer arestado matapos ma-hit and run ang 2 MMDA employees

By Rhommel Balasbas March 27, 2019 - 12:41 AM

Makati Police photo

Timbog ang GMA talent at StarStruck winner na si Migo Adecer o Douglas Errol Dreyfus Adecer sa tunay na buhay matapos itong makasagasa sa bahagi ng J.P. Rizal St. kanto ng Pertirra St. Brgy. Poblacion, Makati City Martes ng gabi.

Ayon sa Makati City Police, sakay ng isang puting Subaru BR2 si Adecer nang mabangga ang mga biktimang sina Rogelio Formelos Castillano at Michell Gallova na kapwa empleyado ng MMDA.

Nagtangkang tumakas ang suspek ngunit humingi ng tulong sa mga pulis ang traffic enforcers na nakakita sa insidente.

Hinabol ng mga pulis si Adecer at nasukol sa bahagi ng N. Garcia St. at dito napag-alamang nakainom ito.

Tinangkang muling tumakas ng TV talent sa mga awtoridad at hindi ibinigay ang kanyang driver’s license hanggang sa mabangga naman nito ang police patrol car.

Nahuli si Adecer at mahaharap ngayon sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries at Damage to Property at Disobedience to Person in Authority.

Ang kanyang mga nabangga naman ay kasalukuyang nagpapagaling sa Ospital ng Makati.

TAGS: aktor, Douglas Errol Dreyfus Adecer, GMA talent, hit and run, makati city, Migo Adecer, MMDA employees, nakainom, StarStruck, aktor, Douglas Errol Dreyfus Adecer, GMA talent, hit and run, makati city, Migo Adecer, MMDA employees, nakainom, StarStruck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.