Pahayag ng Malakanyang na maaring i-prenda ang pag-aari ng bansa, kinontra ng oposisyon sa Kamara

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2019 - 11:41 AM

Sinopla ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag ng Malakanyang na okay lamang na i-prenda o gawing collateral ang Reed Bank sa utang ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Lagman, mali ang pahayag ng palasyo dahil hindi maaring gawing collateral ang soberanya ng bansa.

Hindi rin anya puwedeng gawing prenda and properties ng Pilipinas na awarded ng United Nations Arbitral Tribunal.

Paliwanag nito, kapag ang isang pag-aari ay ginawang collateral maari itong kunin kapag hindi nakabayad.

Mayroon na rin anyang loan agreement ang bansa na ginagarantiyahan naman ng estado kaya mali na i-prenda ang bahagi ng teritoryo ng bansa.

Sinabi nito na hindi naman siguro hiningi ng China ang Reed Bank parang maging collateral pero kung hiniling ayon kay Lagman ay mali na ito.

Idinagdag pa nito na kahit maliit na halaga lamang ang uutangin at maayos magbayad ng Pilipinas ay nananatili anv pangamba na kuhanin ang collateral para dito kapag hindi nagampanan ang obligasyon.

Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na okay lamang gawing collateral ang Reed Bank para sa Chico River project.

TAGS: edcel lagman, Radyo Inquirer, reed bank, edcel lagman, Radyo Inquirer, reed bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.