Magkahiwalay na lindol yumanig sa Ilocos Norte at Southern Leyte
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte alas-2:25 madaling araw ng Martes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng Pagudpud.
May lalim itong 15 kilometro.
Naitala ang instrumental Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Samantala, alas-5:04 naman nang yanigin ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Southern Leyte.
Ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Hinunangan.
May lalim itong isang kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Hinungan.
Tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang mga aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.