Duterte suko na sa peace talks sa NPA

By Chona Yu March 26, 2019 - 03:55 AM

Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipag-usap sa New People’s Army (NPA).

Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung kaya binuwag na niya ang government peace panel na magsusulong sana ng peace talks sa rebeldeng grupo.

Ayon pa sa Pangulo, wala nang saysay ang pakikipag-usap sa mga rebelde dahil bulok na ang idelohiya na ipinaglalaban ng mga ito.

Mas makabubuti aniya na magpatayan na lamang ang gobyerno at mga rebelde dahil ito rin naman ang naging pamamaraan na sa nakalipas na limampung taon.

Utos ng Pangulo sa mga sundalo at pulis, tapusin na ang rebeldeng grupo na patuloy na mag-aaklas laban sa gobyerno.

TAGS: binuwag, government peace panel, idelohiya, NPA, peace talks, rebelde, Rodrigo Duterte, suko na, binuwag, government peace panel, idelohiya, NPA, peace talks, rebelde, Rodrigo Duterte, suko na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.