Pemberton guilty sa kasong homicide, 12 years imprisonment ipinataw

By Den Macaranas December 01, 2015 - 04:52 PM

pemberton-mugshot-4-1
Inquirer file photo

Guilty sa kasong homicide si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Inabot ng mahigit sa apat na oras ang pagbasa sa desisyon ni Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 Judge Roline Ginez Jabalde.

Inisa-isa ang mga pangyayari makaraan ang krimen na naganap noong October 11 2015 sa Olongapo City kung saan napatay ang nasabing transgender.

Mula sa murder ay naibaba sa homicide ang kaso dahil nabigo ang panig ng prosecution na patunayan na nagkaroon ng cruelty, excessive used of superior strength at hindi rin daw pa-traydor ang ginawang pagpatay kay Laude.

Sa desisyon na binasa ni Atty. Gerry Gruspe, sinabi na nagpanggap na babae si Laude nang makilala hanggang sa magkasundong magtalik sila ni Pemberton sa isang Motel sa Olongapo City.

Nang madiskubre ng sundalong kano na kapwa niya lalaki ang kanyang nakuhang partner ay nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa pananakit hanggang sa napatay ang biktima.

Sa ginawang pagdinig sa mga nakalipas na buwan ay humingi ang pamilya Laude ng danyos na aabot sa P100Million.

Pero sa desisyon ng hukuman ay kanilang sinabi na sobra at masyadong mataas ang nasabing halaga.

Sa desisyon kanina, base sa ginawang pag-aaral ng hukuman, bukod sa pagkaka-kulong mula sa 6 hanggang 12 taon, pinagmumulta rin si Pemberton ng P4Million.

Pinagbabayad din ang sundalong Amerikano ng P50,000 na civil indemnities, P155,000 na funeral at burial expenses kasabay ang kautusan na dalhin kaagad siya sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ipinaliwanag ni Judge Jabilde na doon mamamalagi si Pemberton hanggang sa magkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at US base sa nilalaman ng Visiting Forces Agreement kung saan dapat ikulong ang sundalong kano.

Sa kanyang panig, umiiyak na sinabi ni Ginang Julita Laude, ina ni Jennifer na kulang ang labingdalawang taong pagkakakulong para kay Pemberton.

Gayunman ay masaya na rin daw sila kahit paaano dahil naibigay ang hustisya sa kanyang pinatay na anak.

Sinabi naman ni Atty. Harry Roque na hanggang ngayon ay ayaw bitawan ng mga American escorts si Pemberton at tumatanggi na ibigay ito sa pangangalaga ng PNP at Bureau of Corrections.

TAGS: laude, Olongapo, Pemberton, VFA, laude, Olongapo, Pemberton, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.