Relasyon ng Pilipinas at China maayos pa rin – Malakanyang
Maayos at malusog ang relasyon ng Pilipinas at China.
Pahayag ito ng Palasyo ng malakanyang sa kabila ng bangayan ng dalawang bansa sa isyu ng sa West Philippine Sea.
Katunayan ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bibisitang muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para dumalo sa belt and road forum sa buwan ng Abril.
Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping ang mutual concerns ng dalawang bansa lalo na sa ugnayan sa kalakalan, seguridad at iba pa.
Kung matutuloy ang pangulo sa abril, ito na ang ika-apat na beses na bibisita niya sa China.
Nagpaliwanag din si Panelo sa mas madalas na pagbisita ng Pangulo sa China kaysa sa Amerika.
Pahayag pa ni Panelo, “So with America, the only reason perhaps why the President has not considered visiting is because of the temperature. He could not stand very cold temperature; he gets sick.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.