“Big-time” drug pusher patay sa mga tauhan ng PDEA

By Jong Manlapaz March 25, 2019 - 04:49 PM

Kuha ni Jong Manlapaz.

Napatay ng miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA ang isang hinihinalang “bigtime pusher” sa operasyon sa isang apartel sa Alabang, Muntinlupa City.

Ayon kay PDEA Dir. Derrick Carreon, isang buy bust operation ang ikinasa ng PDEA laban sa suspek na si Edwin Cabezudo.

Nakabli ng 1/2 kilo ng shabu ang agent ng PDEA na nagkakahalaga ng P3.4 milyon dahilan upang arestuhin ang suspek na na maayos namang sumama.

Habang nasa sasakyan ng PDEA sa bahagi ng C5 Road patungo sa National Headquarters ng PDEA sa Quezon City, tinangka nitong kuhanin ang nakatagong granada sa kanyang pantalon kaya napilitan na paputakan ang suspek.

Nadala pa sa ospital si Cabezudo pero idineklara itong dead on arrival.

TAGS: drug pusher, granada, patay, PDEA, drug pusher, granada, patay, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.