West Philippine Sea kontrolado ng China – Malakanyang 

By Chona Yu March 25, 2019 - 04:31 PM

Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na ang bansang China ang kasalukuyang may kontrol sa West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, ang China ang may kontrol at pwersa ngayon sa West Philippine Sea.

Tanging ang magagawa lamang anya ngayon ng Pilipinas ay maghain ng protesta kung totoong itinataboy ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough shoal.

Hamon ni Panelo, magpakita ng ebidensya na totoong hinaharass ang mga Pinoy mangingisda sa lugar.

Tiniyak rin nito na hindi hahayaan ng Pilipinas na maharass at madehado ang mga Pinoy.

Aminado si Panelo na sa ngayon ay walang magagawa ang Pilipinas na idiga sa China ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration kung kaya idinadaan na lang muna sa negosasyon.

Pahayag ito ng palasyo kasabay ng pagdududa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa video na ipinakita ni senatorial candidate Neri Colmenares na itinataboy ng Chinese Coast Guard ang mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough shoal na nasa 370 kilometers exclusive economic zone ng Pilipinas.

TAGS: China, scarborough shoal, West Philippine Sea, China, scarborough shoal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.