Road repairs, sususpindihin ng MMDA para hindi na makadagdag sa traffic ngayong holiday season

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2015 - 12:40 PM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Magpapatupad ng suspensyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng road repairs sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila simula sa December 14, 2015.

Ito ay para hindi na makadagdag pa sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila ang mga pagkukumpuni sa mga lansangan ngayong holiday season.

Dahil kasi sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, inaasahan na ng MMDA ang mas matinding traffic dahil sa mas madaming bilang ng mga motorista ang bibiyahe at mas marami ang lalabas ng bahay para mamili.

Kabilang sa mga sususpindehin ng MMDA simula sa December 14 ang mga excavation activities sa mga national at city roads, gaya ng road re-blocking works, pipe laying, road upgrading at iba pa.

Mananatili ang suspensyon sa mga road repairs hanggang sa January 3, araw ng Linggo.

Tiniyak naman ng MMDA na hindi iiwanang naka-tengga ang mga hindi matatapos na road repairs bago mag-December 14.

Sinabi ng MMDA na tatakpan at tatabunan ang mga mabibinbing proyekto para madaanan ng maayos ng mga motorista.

TAGS: MMDA suspends road repairs in Metro, MMDA suspends road repairs in Metro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.