DOH: Kaso ng dengue sa bansa umabot na sa higit 44,000
Umabot na sa higit 44,000 ang kaso ng dengue sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau, mula January 1 hanggang March 9 ay umabot na sa 44,566 ang kabuuang bilang ng dengue cases.
Ang naitalang nasawi dahil sa sakit ay umabot na sa 167.
Ang bilang ng kaso dengue hanggang March 9 ay mas mataas sa 26,408 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.
Pinakamataas ang bilang ng kaso sa Central Visayas sa 4,956; sinundan ng National Capital Region sa 4,604; CALABARZON na may 4,559; at ang Caraga sa 4,350.
Pinakamataas din ang bilang ng nasawi sa dengue sa Central Visayas na may 32; sinundan ng Cagayan Valley na may 19; NCR na may 17; Western Visayas na may 16; at CALABARZON na may 15.
Dahil dito muling hinimok ng health department ang publiko na ipatupad ang 4S strategy sa kanilang mga tahanan.
Ang 4S strategy ay:
• Search and destroy mosquito breeding sites
• Secure self-protection
• Seek early consultation
• Support fogging/spraying to prevent an impending outbreak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.