Grade 11 student, nahulihan ng P6.8M halaga ng shabu sa Cebu City

By Angellic Jordan March 24, 2019 - 09:32 PM

Nasamsam ang nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon sa Cebu City, Linggo ng hapon.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng 18-anyos na si Michael David De Gracia sa Barangay San Nicolas pasado 4:00 ng hapon.

Si De Gracia at isang Grade 11 senior high school student at sinasabing drug courier.

Ayon kay Chief Insp. Ricardo Tero, hepe ng Regional Special Operations Group sa Central Visayas, nakuha mula sa suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu, isang hindi lisensyadong baril na kargado ng mga bala.

Tinutukan aniya ang galaw ng suspek sa loob ng dalawang linggo bago isinagawa ang operasyon.

Sinabi pa ni Tero na sinubukang tumakas at lumaban ng suspek sa mga orotirad.

Gumanti ng putok ng baril ang pulisya na naging dahilan ng nagtamo nitong tama ng bala sa kanang binti.

Nakilala ang dalawang kasama ni De Gracia na sina Jean Palermo at isang Raxo ngunit nakatakas ito sa operasyon.

Inamin naman ng suspek na isa siyang drug courier ngunit hindi umano nito alam kung saan nanggagaling ang mga kontrabando.

TAGS: Cebu City, Chief Insp. Ricardo Tero, Michael David De Gracia, Regional Special Operations Group - Central Visayas, shabu, Cebu City, Chief Insp. Ricardo Tero, Michael David De Gracia, Regional Special Operations Group - Central Visayas, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.