Isang NPA member, patay sa engkwentro sa Iloilo
Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na bakbakan sa Miag-ao, Iloilo Linggo ng madaling-araw.
Ayon kay Lt. Col. Sisenando Magbalot, commander ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, nagka-engkwentro ng mga tropa ng pamahalaan at 20 miyembro ng NPA sa bahagi ng Barangay Alimodias bandang alas 4:00 ng madaling-araw.
Ang mga rebelde ay nasa ilalim ng Southern Front Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Panay Island.
Naiwan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang miyembro ng rebeldeng grupo kasama ang isang M-16 rifle, ilang bala, landmines, mga personal na gamit at mga dokumento at bandila ng NPA.
Tumagal nang 30 minuto ang palitan ng putok ng baril sa lugar.
Ayon kay Magbalot, walang nasawi o nasugatan sa panig ng militar.
Ito na ang ikaapat na engkwentro ng militar at NPA members sa Iloilo at Antique sa loob ng isang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.