Libu-libong motorcycle riders, nagsagawa ng unity ride laban sa ‘Doble Plaka Law’
Nagsagawa ng unity ride ang libu-libong nagmomotorsiklo sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA bilang pagkondena sa ‘Doble Plaka Law’, linggo ng umaga.
Ayon sa impormasyong mula sa Quezon City Police, mahigit 10,000 katao ang nakilahok sa unity ride na kumain ng tatlong northbound lanes sa bahagi ng EDSA-White Plains.
Giit ng mga motorcycle riders, hindi nila sinasang-ayunan ang batas dahil delikado ang pagkakabit ng malaking plaka lalo na sa harapan ng motorsiklo na maaring magdulot ng aksidente.
Bukod dito, kailangan pa umanong ng mas masusing pag-aaral sa disenyo ng magiging plaka dahil iba’t iba rin istraktura ng bawat motorsiklo.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act na nagmamandato sa Land Transporation Office (LTO) na mag-isyu sa mga motorsiklo ng mas malaki, mas nababasa, at color-coded na plaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.