Robredo: Reklamo laban sa China sa ICC, nagbibigay pag-asa sa mga Pilipino

By Len Montaño March 24, 2019 - 03:22 AM

Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang mga dating opisyal ng bansa na naghain ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) dahil nagbibigay anya ito ng pag-asa sa mga Pilipino.

Ayon kay Robredo, ang reklamo sa ICC laban kay Xi ay parang dinugtungan uli ang pag-asa sa mga puso ng mga Pinoy, na mayroon naman pala anyang lakas na labanan ang isang malaking bansa gaya ng China.

Dahil dito ay nagpasalamat ang Pangalawang Pangulo kina dating DFA Sec. Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na inakusahan si Xi sa ICC ng crimes against humanity kaugnay ng pag-angkin ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Masaya si Robredo na mayroong gaya nina Del Rosario at Morales na malakas ang loob na ipaglaban ang soberenya at hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Binanggit pa ng Bise President na nanalo na dati ang Pilipinas sa kaso sa Arbitration Tribunal pero tila nabalewala anya ito dahil sa ugnayan ngayon nina Pres. Xi at Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Arbitration Tribunal, Chinese Pres. Xi Jinping, dating DFA Sec. Albert Del Rosario, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ICC, Pag-asa, Vice President Leni Robredo, West Philippine Sea, Arbitration Tribunal, Chinese Pres. Xi Jinping, dating DFA Sec. Albert Del Rosario, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ICC, Pag-asa, Vice President Leni Robredo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.