P1-M reward laban sa suspek na bumaril sa tauhan ni Junjun Binay

By Jimmy Tamayo March 23, 2019 - 09:30 AM

Naglaan na si dating Vice President Jejomar Binay ng P1-Million na pabuya sa anumang impormasyon kung sino ang nasa likod ng tangkang pagpatay sa dating Executive Assistant ni dating Makati Mayor Junjun Binay na si Monaliza “Monette” Bernardo.

Si Bernardo ay nananatili sa ospital matapos barilin ng hindi nakilalang salarin malapit sa kanyang bahay sa Barangay Olympia, Makati City Huwebes ng gabi.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanang kamay at tumagos sa kanyang tiyan.

Sakay ng motorsiklo ang dalawang salarin na kapwa naka-suot ng helmet at tumakas patungo ng South Avenue.

Ayon kay Binay, umaasa siyang mananaig ang katotohanan at ang katarungan sa nasabing krimen.

Kasabay nito, nanawagan din ang dating bise presidente sa mga mamamayan ng Makati na kumalma sa gitna ng ispekulasyon na pulitika ang motibo sa nasabing krimen.

TAGS: Jejomar Binay, Junjun Binay, Makati, Monaliza “Monette” Bernardo, reward, Jejomar Binay, Junjun Binay, Makati, Monaliza “Monette” Bernardo, reward

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.